PNP NAG-ACTIVATE NG EMERGENCY RESPONSE MATAPOS ANG 7.5 MAGNITUDE NA LINDOL SA DAVAO ORIENTAL

KAAGAD na ini-activate ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang emergency response operations kasunod ng magnitude 7.5 na lindol na yumanig sa Davao Oriental noong Biyernes ng umaga.

Ayon kay PNP Acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang hakbang ay bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang kahandaan sa kalamidad at protektahan ang mga apektadong komunidad.

Sinabi ni Nartatez na kumikilos na ang iba’t ibang police units sa Davao Oriental at mga karatig-probinsya upang tumulong sa mga apektadong lugar at tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

Kasabay nito, nagsagawa na ng inspection ang mga tauhan ng PNP sa mga gusali, kalsada, at iba pang imprastruktura upang matukoy ang lawak ng pinsala at makapagbigay ng agarang tulong.

Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa mga Provincial at City Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMOs) upang magbigay ng suporta sa disaster response at tulong sa mga mamamayan na naapektuhan ng lindol.

Pinayuhan naman ng PNP ang publiko na manatiling kalmado at sundin ang mga itinatakdang safety guidelines habang nagpapatuloy ang mga aftershock sa rehiyon.

(TOTO NABAJA)

56

Related posts

Leave a Comment