PNP-PRO 5 DIRECTOR GINAWARAN NG 7 MEDALYA NI P/GEN. CARLOS

MISMONG si Philippine National Police chief, P/General Dionardo Carlos ang naggawad ng parangal kay Bicol PNP chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo bilang pagkilala sa ipinakitang dedikasyon bilang Regional Director ng Police Regional Office 5.

Pitong Medalya ng Kasanayan ang tinanggap ni P/BGen. Estomo na personal na ibinigay ng hepe ng Pambansang Pulisya sa simpleng seremonya sa Multi-Purpose Building, Camp BGen. Simeon A. Ola, Legazpi City.

Tatlong Medalya ng Kasanayan ang kanyang natanggap sa pagiging ranked 1 ng PRO5 sa Unit Performance Evaluation Rating (UPER) sa buwan ng Mayo, Agosto, at Setyembre sa nagdaang taon.

Binigyan din si P/BGen. Estomo ng apat pang Medalya ng Kasanayan sa pangunguna nito sa Individual Commanders Evaluation Rating (ICER) sa buong bansa noong buwan Mayo, Hulyo, Agosto at Setyembre ng nakaraan ding taon.

Siya ay nagsimulang manungkulan bilang Regional Director ng PRO5 noong Abril 23, 2021. Dito niya ipinamalas ang matinding pagnanais na gawing mas ligtas at tahimik ang rehiyong Bicol.

Ibinahagi niya ang hangaring magampanan nang maayos ang tungkulin ng bawat miyembro ng PNP Bicol sa pamamagitan ng ekstra ordinaryong serbisyo na nakikita, nararamdaman at napapahalagahan ng publiko.

Katunayan nito ng pagkaneyutralisa ng napakaraming kalaban ng lipunan, mga nadakip at napatay na kalaban ng estado, pagkakaaresto sa napakaraming pinaghahanap ng batas na resulta ng walang humpay na manhunt at law enforcement operations. (JESSE KABEL)

237

Related posts

Leave a Comment