PNP SINASANAY NA ANG ILANG TAUHAN BILANG CONTACT TRACERS

SUMABAK na sa pagsasanay para maging contact tracers ang ilang tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, may 90 tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) mula sa iba’t ibang rehiyon ang lumahok sa programa.

Ang mga ito ang siya namang naatasang magsanay sa mga local police personnel sa kani-kanilang rehiyon.

Ang initial training ay pinangunahan ni Contact Tracing Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kasabay nito, nilinaw ni Banac na ang mga local government unit at health officials pa rin ang mangunguna sa contact tracing operation sa mga komunidad at magsisilbi lang suporta ang mga
pulis.

Nauna nang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong ng pulisya sa pagtugon sa banta ng COVID-19.

Inatasan din nito si Interior Secretary Eduardo Año na magpakalat ng mga pulis na tutulong sa pagbiyahe at paghahatid sa mga contract tracer sa bahay ng mga pasyenteng may COVID-19.
(ANNIE PINEDA)

132

Related posts

Leave a Comment