PNP WALANG KINUHANG FITNESS INSTRUCTOR

NILINAW ng Philippine National Police (PNP) na wala itong kinunang fitness instructor para sa physical fitness program ng kanilang hanay.

Matatandaan na inimbitahan ng Police Community Affairs and Development Group (PCADG) si fitness vlogger Rendon Labador para pangunahan nito ang 93-araw na weight loss challenge para sa kanilang unit.

Batay sa memorandum ng PNP Directorate for Police Community Relations, ang naturang aktibidad ay eksklusibo lamang sa mga miyembro ng PCADG at hindi para sa buong PNP.

Sinabi naman ni Labador na boluntaryo nitong tinanggap ang hamon ng PCADG bilang pagtanaw ng utang na loob para sa kanyang yumaong na ama na dating pulis.

(TOTO NABAJA)

9

Related posts

Leave a Comment