PINABULAANAN ng Philippine National Police (PNP) na napasok ng hackers ang kanilang websites at na-take down.
Matatandaan, nauna nang nagbabala ang Department of Information and Communication Technology (DICT) nitong Nobyembre 5, “Hacking Day”, bilang petsa ng potensyal na cyberattacks.
Ito ay makaraang ihayag ng grupong nagpakilalang “Happy Go Lucky Ph,” na umabot na umano sa 68 official websites ng PNP hanggang Regional at Provincial office, ang kanilang na-hack.
Batay sa pahayag ni PNP spokesperson, PBGen. Randulf Tuaño, sinadya ng DICT na pansamantalang i-shutdown ang websites ng pulisya para hindi mapasok ng hackers.
Kinumpirma ni Tuaño na tinangkang pasukin ng hackers ang server ng DICT subalit inunahan na sila ng kagawaran.
Sinabi ni Tuaño, under maintenance ang website ng PNP kaya hindi pa rin ito mabuksan.
(TOTO NABAJA)
64
