PNPA NAGTALA NG MATAAS NA COVID-19 RECOVERIES

INIULAT ang one hundred percent recoveries ng 236 cadets at 13 personnel ng Philippine National Police Academy (PNPA), dalawampu’t isang araw matapos silang tamaan ng COVID-19.

Subalit lumabas naman na positibo sa COVID-19 ang 43 closed contacts ng mga naunang confirmed cases matapos ang second wave ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RTPCR) na ginawa sa may 1,451 cadets and personnel sa loob ng academy nitong September 28, 2020.

Agad namang nilinaw ni PMGen Gilberto DC Cruz, PNPA Superintendent na titiyakin niya na prayoridad nila ang kalusugan at paggaling ng mga nahawang indidwal.

Napag-alaman din na may apat sa 38 na bagong talagang personnel sa academy ang positibo sa nakamamatay na sakit bago pa sila nag-assume ng kanilang bagong assignment.

Nakipag-ugnayan na ang PNPA administration sa Local Government Units (LGUs) na may sakop sa mga covid positive personnel para matiyak ang kaukulang aksyon .

“To the parents and families of our cadets and personnel, we would like to assure you that your loved ones are well taken care of. Nevertheless, we are still asking for your prayers for their fast and total recoveries” sabi pa ni PMGen Cruz. (JESSE KABEL)

179

Related posts

Leave a Comment