POD CHIEF POSITION, GINAPANG?

HINDI pa man nag-iinit ang tumbong ni Candy Tan bilang Chief ng Port Operations Division ng Bureau of Immigration ay mayroon nang bagong itinalaga sa pwesto si Commissioner Jaime Morente bilang kapalit nito.

Bagama’t ang pagtatalaga ng POD Chief ay nasa kapangyarihan ng kalihim ng Department of Justice, tila napilitan na lamang si Morente na sundin ang kautusan dahil mukhang nahaluan na naman ng pulitika ang usapin dahil may isa daw mataas na opisyal ng BI ang gumapang nito sa Malacañang.

Ang POD chief ang isa sa mga posisyon na diumano ay pinag-aagawan sa ahensiya. Ang sabi-sabi, gustong-gusto daw itong masungkit ng mga tiwaling opisyales sa BI, hindi para magsilbi sa bayan kundi para sa kanilang sariling kapakanan.

Ayon sa ipinalabas na Praise Release ng BI, ang bagong hepe na ng POD ay si Atty. Carlos Capulong. Si Capulong ay nagmula sa Deportation unit at Visa Task Force ng Legal Division na kung saan ay napakaraming kababalaghan din ang nangyayari sa tanggapang ito.

Kamakailan lamang ay isang liaison officer ang hinuli ng mga ahente ng NBI sa loob ng isang tanggapan dito na sangkot sa Human Smuggling ng mga Chinese nationals na peke ang mga papeles kung kaya’t dito ginawa ang naudlot na bayaran.

Hindi ko naman personal na kilala itong si Catulong este Capulong pala pero atin pa rin syang babantayan sa magiging pamamalakad nito sa airport kung kakayanin ba niya ang pressure ng katiwalian sa kanyang mga opisyal o siya ba ay magpapagamit at magpapa silaw ba sa tukso ng kinang ng salapi?

Wala na sa kapangyarihan ng POD ang TCEU. Napunta muna ito sa ilalim ng Commissioners Office bago agad ding ipinasa sa Chief ng Intelligence ng BI.
Bakit kaya? Siguro para hindi mahalata na masiba sa pera ang ilang opisyal ng BI???

Teka, bakit kaya Commissioner Morente naka ilang palit ka na ng POD Chief pero ang Chief ng TCEU ay hindi mo kayang palitan?

May kaugnayan kaya dito ang minsan na sinabi sa akin ng Intelligence Chief mo na kung tatanggalin ang bata mo sa TCEU ay kanya na ring bibitawan din ang paghawak dito? Hmm aba’y ang sweet naman ano?

Kaya po pala ako’y tinext kamakailan ng Chief ng Intelligence kung bakit daw panay batikos ko sa TCEU? Aba natural lamang Sir dahil hindi naman mababatikos ang mga bata mo kung sila’y ­

gumagawa ng magandang bagay.

Abangan sa susunod at ating ibibisto ang raket ng ilan pang mga division offices ng BI na talamak ang korapsyon.

Para sa inyong nais iparating na Sumbong at sa inyong Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.
133

Related posts

Leave a Comment