POGO NA NANDADAYA SA BUWIS. IPASASARA NG PAGCOR

SINIGURO ng Philippine Amusement and Gaming Corporation PAGCOR na ipasasara ang madadayang Philippine Offshore Gaming Operators na hindi nagbabayad nang tamang buwis sa pamahalaan.

Sa pagdinig ng House commitee on games and amusement, sinabi ni Atty. Jose Tria Jr., acting assistant vice president ng Offshore Gaming and Licensing Department ng PAGCOR, sumulat na sila sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para hingin ang listahan ng mga POGO na hindi pa tumutupad sa tungkulin na magbayad ng kanilang buwis.

Samantala, lumitaw rin sa nasabing pagdinig na mahigit triple ang bilang ng POGO na ilegal na nag-o-operate sa bansa kumpara sa mga rehistrado sa PAGCOR.

Sa pagtatanong ng mga kongresista, inamin ni Tria na umaabot sa 187 ang POGO na ilegal na nag-o-operate sa bansa.

“Since the signing of agreement, they have verified more than 187 sites which believed to be conducting online gaming illegally,” ani Tria.

Mas marami ito kumpara sa 61 POGO na binigyan ng PAGCOR ng lisensya para mag-operate sa bansa.
“We have been asking report from the NBI, on what has transpired after the raids but we have yet to receive report from them,” dagdag pa ni Tria nang tanungin kung bakit walang nahuhuli gayung ilegal ang operasyon ng mga ito.

Sinabi ni Tria na nag-o-operate umano ang mga illegal POGO sa loob ng bahay na kanilang inuupahan kung saan mga turista umano ang kanilang mga worker na pawang Chinese nationals. KIKO CUETO, BERNARD TAGUINOD

145

Related posts

Leave a Comment