POGO PIPIGAIN SA P17.5-B DAGDAG-BUWIS

ITATAAS ang sinisingil na buwis sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) upang makalikom ng karagdagang P17.5 bilyon at pinabilis din ang pagtatayo ng telecommunication towers a bansa na itinakda sa Bayanihan to Recover as One Act, ayon kay Minority Leader Franklin Drilon.

Sa pahayag, nagalak si Drilon sa paglagda ni Pangulong Duterte sa Bayanihan 2 na magbibigay ng P165 bilyong stimulus funds para sa pagtugon at pagbangon sa pandemya.

Ipinaliwanag ni Drilon na binago ng Bayanihan 2 ang pagbubuwis sa POGO at pinahigpit ang regulasyon upang makalikom ng pondo na pupuno sa nauubos na pera ng pamahalaan.

“The Bayanihan 2 will more than double the tax collection from POGO – from P7 billion estimated collection in 2019 to approximately P17.5 billion this year because of the reforms we have introduced in the measure,” ayon kay Drilon.

Sinabi ni Drilon na gustong gamitin ng pamahalaan ang POGO upang mapunan ang budget gaps sa P165 bilyong stimulus fund.

Aabot lamang sa P140 bilyon ang badyet ng Bayanihan 2, kaya kailangan magtabi ng P25 bilyon bilang standby appropriations na kukunin sa karagdagang buwis o pagtaas ng koleksiyon.

“All revenues from POGO will be used to fund the various types of assistance laid out in the Bayanihan 2 for all sectors affected by the pandemic,” ayon kay Drilon.

Base sa amendments ni Drilon, mahigpit na ipatutupad ang pagkuha ng 5 porsiyentong franchise tax sa gross bets o turnovers o ang pre-determined minimum monthly revenues mula gaming operations, kung alin ang pinakamataas, na kinita ng offshore gaming licensees, kabilang ang gaming operators, gaming agents, service providers at gaming support providers.

“With this amendment, the government can now impose the 5 percent franchise tax on the gross bets or turnovers which will yield more revenues for the government,” giit niya.

Pinahigpit din ng Bayanihan 2 ang regulasyon sa POGO upang ayusin ang kasalukuyang pagkakamali sa sistema, ayon kay Drilon.

Samantala, sinabi ni Drilon na pinabilis ng Bayanihan 2 ang pagtatayo ng cell towers sa bansa na itinuturing na pinakamahal, pero mabagal na internet connections sa Asya. (ESTONG REYES)

186

Related posts

Leave a Comment