POLICE CAPTAIN PATAY SA PAGRESPONDE SA GULO SA VIDEOKE BAR

DEAD ON ARRIVAL sa pagamutan ang isang pulis makaraang barilin nang magresponde sa isang kaguluhan sa videoke bar sa Capiz.

Kinilala ang biktimang si PCapt. Rian Fuentes Ampoyos, nakatalaga sa 1st Capiz Provincial Mobile Force Company.

Ayon kay PRO 6 Regional Director P/B General Randulf Tuaño, nagresponde si Ampayos kasama ang dalawa nitong tauhan makaraang makatanggap ng tawag hinggil sa kaguluhan sa isang videoke bar sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz nitong Lunes ng madaling araw.

Habang inaawat ng biktima ang mga nag-aaway, minalas naman itong mabaril sa ulo ng isa sa mga suspek.

Kaagad namang naaresto ang suspek na si William Paulino Deacampo na nakapiit ngayon sa Pontevedra Police Station, habag pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawa pang kasamahan nito.

(TOTO NABAJA)

158

Related posts

Leave a Comment