NAGHAIN si Akbayan Party-list Rep. Dadah Kiram Ismula ng House Bill No. 10099 na naglalayong alisin ang “forgiveness clause” sa Revised Penal Code kaugnay ng kasong rape.
Layunin ng panukala na alisin ang Article 266-C ng Revised Penal Code na nagpapawalang-bisa sa criminal liability ng rapist kapag pinakasalan nito ang biktima o kapag pinatawad ng asawa ang asawang nanggahasa.
Ayon kay Ismula, hindi dapat gamitin ang kasal o kapatawaran upang makaiwas sa pananagutan ang salarin.
Katuwang ni Ismula sa panukala sina Akbayan Party-list Reps. Chel Diokno at Perci Cendaña, at Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao.
(TINA MENDOZA)
134 