POLICE CORPORAL, TINAMAAN NG BALA SA FIRING RANGE?

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite Police kung aksidenteng tinamaan ng bala ng baril ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) habang nagsasagawa ng pagsasanay sa gun proficiency sa mga kadete sa isang firing range sa loob ng kampo sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Sabado ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Tagaytay Medical Center ang biktimang si Police Corporal Renante Marolina y Sino, 29, tubong Digos City, Davao Del Sur at nakatira sa PNPA Tactics Male Barracks sa Brgy. Tartiara, Silang, Cavite dahil sa sugat sa kaliwang tiyan.

Ayon sa biktima, nagtuturo siya ng gun proficiency sa firing range ng Camp Castaneda PNPC sa Brgy. Tartiara, Silang, Cavite sa pagitan ng ala-1:00 hangang alas-5:00 ng hapon noong Biyernes.

Matapos ang kanilang live firing, nag-alisan na ang mga kadete habang siya naman ay nag-aayos ng kanyang mga gamit patungo sa kanilang barracks at habang nagpapalit ng damit ay may napansin itong tila umbok sa kanyang kaliwang tiyan

Inakala nito na namuong pawis lamang subalit napansin niyang may dugo at maliit na butas hanggang sa naramdaman niyang tila namamanhid kaya nagdudang tila may tumusok na isang bagay dahilan upang magtungo ito sa PNPA Academic Health Service upang suriin hanggang sa ilipat ito sa Ospital ng Tagaytay at muling ilipat sa Tagaytay Medical Center. (SIGFRED ADSUARA)

2

Related posts

Leave a Comment