POLICE VISIBILITY PALALAKASIN SA ALERT LEVEL 1

pulis

MAS paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang police visibility sa mga lansangan at mga pook pasyalan ngayong maluwag na ang restriksyon sa Metro manila at 38 iba pang mga lugar sa bansa.

Ayon kay PNP chief, Police General Dionardo Carlos, magkakaroon sila ng mas maigting na police visibility sa mga pampublikong lugar bunsod ng inaasahang pagdami ng mga taong lalabas dahil sa pinaluwag na restrikyon sa COVID-19.

Inihayag din ni PNP-National Capital Regional Police office director, P/Maj. General Vicente Danao na nakahanda ang kanilang puwersa sa kalakhang Maynila sa pagluluwag ng restriksyon sa Metro Manila.

Pahayag ni MGen Danao, ito ay sa harap nang inaasahan nilang mas daraming bilang ng mga tao na lalabas sa ilalim ng Alert Level 1.

Aniya, bukod sa pagpapatupad ng kaayusan, kikilos din ang mga pulis sa pagpapaalala sa mga tao na sumunod sa health protocol.

Magugunitang sa lungsod ng Maynila ay inihayag na mahigpit pa ring ipatutupad ang pagsusuot ng face mask kahit ibaba ng DOH at IATF sa Alert Level 1 ang restriksyon sa Metro Manila. (JESSE KABEL)

196

Related posts

Leave a Comment