(SAKSI NGAYON NEWS TEAM)
“The best distraction sa ‘polvoron’ issue is to attack the roadblocks.”
Pahayag ito ni Atty. Trixie Angeles sa gitna ng puspusang paghahalughog ng pulisya sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) compound sa Davao City simula noong Sabado para masukol ang nagtatagong si Apollo Quiboloy.
Naniniwala ang dating Press Secretary ng Marcos Jr. admin na nais lamang pagtakpan ang kontrobersyal na ‘polvoron’ issue laban sa Pangulo sa ginagawang panggigipit ngayon sa KOJC at kay Quiboloy.
“Of course, kailangan nilang pagtakpan ‘yang polvoron issue na iyan kasi ang ultimate goal nila ‘di ba is Charter change and stay forever and ever and ever.
So, ‘yung polvoron issue ang pinakamalaking roadblock na kailangan nilang mabasag ‘yung narrative na iyon,” ani Angeles.
Naniniwala rin ito na hindi matutuldukan ang usapin hinggil sa diumano’y paggamit noon ng droga ng Pangulo hangga’t hindi ito tumutugon sa panawagang magpa-hair follicle drug test.
“Eh as long as hindi siya nagpapa-drug test, hindi mababasag ‘yun. So, ano ‘yung next best thing? Distract.
Ano ‘yung distraction? Attack. Attack ‘yung mga roadblocks nila, other potential leaders. Mahirap kasi ‘yung may mga leaders talaga na nasa labas na in opposition to him because he himself isn’t a very good one. So olats na olats kaagad,” pahayag pa ni Angeles.
Nagsisisi si Inday
Sa isang pahayag, ikinalungkot ni Senator Imee Marcos ang pagkawasak ng Unity Team.
Nagsisisi aniya si Vice President Sara Duterte sa pagbibigay ng suporta sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.
Ito ay matapos lusubin ng nasa 2,000 pulis ang KOJC compound sa Barangay Buhangin, Davao City, alas-5 ng umaga noong Sabado upang ipatupad ang mga warrant of arrest laban kay Quiboloy.
Mistulang napahiya rin si VP Inday kaya humingi ito ng tawad sa mga miyembro at supporters ng KOJC sa pangungumbinsi sa kanila na iboto si Marcos.
