POM HINIGITAN TAX COLLECTION TARGET NOONG HULYO

TILA niregaluhan ng mga tauhan ng Port of Manila (POM) ng Bureau of Customs (BOC) ang bagong upong Commissioner na si Ariel Nepomuceno matapos nitong higitan pa ang tax collection target para sa buwan ng Hulyo.

Base sa datos ng BOC, kailangang makolekta ng POM ang P7.929 billion na buwis sa buwan ng Hulyo mula sa lahat ng mga imported goods na pumapasok sa nasabing port.

Pero sa inisyal na report noong nakaraang linggo mula sa Collection Division ng ahensya, nasa P8.221 tax ang nakolekta ng POM.

Ayon kay POM Collector Alex Alviar, “It is a combined effort ng buong departamento ko from collection to enforcement kaya nakamit namin ang target”.

“Yan din kasi ang marching order ng aming bagong boss na si Comm. Nepomuceno na abutin parati ang tax target dahil inaasahan nga ng Department of Finance (DOF) ang aming koleksyon.

Ang BOC ang ikalawang ahensya na inaasahan ng pamahalaan na makalikom ng pondo ng bayan bukod sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

“The more na makamit ng BOC ang tax collection target nito, the lesser ang ating budget deficit”, paliwanag pa ni Alviar.

106

Related posts

Leave a Comment