PONDO NG OFWs NA TATAMAAN SA MASS REPATRIATION SA US ISUSULONG NG AKO-OFW

ofw

IGINIIT ng AKO-OFW party-list ang paggawa ng batas para awtomatikong masuportahan ang displaced OFW at overseas Filipinos upang maiwasan ang hindi pagkakapareho ng mga benepisyo ng mga distressed OFW.

Ito’y kasunod ng bagong sitwasyong kahaharapin ng mga Pinoy worker sa Amerika sa gitna ng ipinatupad ng Trump administration na pagpapauwi sa mga ilegal na nagtatrabaho doon kabilang ang mga Pilipino.

Ayon kay Dr. Chie Umandap, 1st nominee at chairman ng AKO-OFW Party-list dapat umanong maglaan ng pondo para sa mga OFW na hindi lamang nanggagaling sa OWWA na regular na mapagkukunan sakaling magkaroon ng mass repatriation.

Aniya, ilan kasi sa sumbong ng mga OFW na kapag kaunti lamang ang repatriation at hindi nabibigyan ng atensyon ng media ay hindi sila nabibigyan ng tulong, kumpara sa mga napapabalita sa mainstream media na repatriation na agad nabibigyan ng ayuda na P100,000 pataas.

Kung maalala, umabot na sa higit 350,000 Pinoy ang ilegal na naninirahan sa Estados Unidos.

1

Related posts

Leave a Comment