PONDO SA 2020 AT BAYANIHAN 2, NAIS PALAWIGIN

IGINIIT ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na palawigin ang validity ng Bayanihan 2 at ang 2020 national budget para magamit sa pagtulong sa mga biktima ng mga bagyong Rolly at Ulysses.

Ginawa ni Recto ang apela sa isinagawang hybrid plenary deliberation sa panukalang P4.506 trillion national budget para sa 2021 kung saan sinabi ng senador na nababahala ito na ang pondo ng Bayanihan 2 ay hindi magamit sa tamang panahon.

“Assuming we are unable to spend the entire 2020 budget, would the chairman be willing to extend the validity of items in the 2020 budget to help provide relief to families affected by the pandemic and by the most recent typhoons?” tanong ni Recto kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance.

Sinang-ayunan naman ni Angara ang apela ni Recto na nagsabing mas higit na kailangan ngayon ang pondo.

“We extended the validity of the 2018 and 2019 budgets and we are in much worst shape today as we speak, so I would definitely be agreeable to something like that including the calamity fund,” ani Angara. (NOEL ABUEL)

121

Related posts

Leave a Comment