PONDO SA IN-SERVICE TRAINING NG TEACHERS, DODOBLEHIN

UPANG mapaigting pa ang kakayahan ng public school teachers, dodoblehin ng Kongreso ang pondo para lalong gumaling ang mga ito sa larangan ng English, Math at Science.

Ito ang nabatid mula kay Quezon City Rep. Marvin Rillo na sinabing target na itaas sa P1.5 billion ang taunang pondo para sa ‘in-service skills retooling” ng public school teachers sa nabanggit na mga asignatura sa susunod na taon.

“In the national budget, Congress has been allocating only an average of P746 million per year for the in-service training of our teachers. We should at least double that amount to P1.5 billion every year starting in 2024,” ani Rillo ng House Appropriations Committee.

Ayon sa mambabatas, kailangang buhusan ng mas malaking pondo ang professional development courses ng public school teachers na makatutulong para paigtingin pa ang kanilang abilidad sa pagtuturo ng English, Math at Science.

Katuwang ang University of the Philippines (UP), Philippine Normal University (PNU) at Development Academy of the Philippines (DAP), iniimplementa ng Department of Education and ‘in-service training program’ na naglalayong mapahusay pa ang mga kakayahan ng public school teachers.

“If necessary, the DepEd should also enlist the help of educators from the best private K-12 schools to help in the training courses,” mungkahi pa ni Rillo.

Samantala, lumusot na rin sa House Committee on Basic Education and Culture ang House Bill (HB) 238 para sa pagtatag Teacher Education and Training Committee (TETC).

Layon nito na magtakda ng mga pamantayan sa pagkuha ng mga bagong guro at ebalwasyon ng kasalukuyang public school teachers.

Ang nasabing panukala ay tugon sa negatibong resulta ng pag-aaral ng Programme for International Student Assessment (PISA) noong 2018 kung saan bagsak sa reading, mathematics at science literacy ang mga estudyante sa Pilipinas. (BERNARD TAGUINOD)

274

Related posts

Leave a Comment