(NI BETH JULIAN)
MARIING itinanggi ng Department of Finance na pambayad-utang ang pondong makokolekta mula sa tax reform packages.
Paliwanag ni Finance Usec. Karl Kendrick Chua, pangunahing layunin ng tax reform packages ay para makontra ang kahirapan.
Ito ay dahil target ng gobyerno na maibaba ang poverty rate sa 14 percent mula sa 21.5 percent nitong 2015.
Katumbas ito ng 6 milyong Filipino na dapat na mapaunlad ang pamumuhay mula sa dinaranas na kahirapan.
Kumpiyansa naman ang DoF na kung maipapasa ang tax reform packages at iba pang socio economic agenda ay posibleng maabot ang target nitong maihanay sa upper middle income country ang Pilipinas tulad ng China, Thailand at Indonesia pagsapit ng 2020.
131