NAKAPAGTALA ng taunang record-high na koleksyon ang Bureau of Customs Port of Cebu nitong nakalipas na Disyembre 31, 2020.
Base sa kanilang ulat, ang Port of Cebu ay nakakulekta ng aabot sa 3.331 bilyong piso para sa kanilang annual revenue collection surplus, ang pinakamalaking sobra na naitala ng port.
Sa yearend tally lumalabas na ang Port of Cebu ay nakapag-ambag sa gobyerno ng kabuuang 30.870 bilyong piso, 12.10% mas mataas sa kanilang annual target na 27.539 bilyong piso.
Kinilala naman ni Port of Cebu Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza ang bawat isa sa Port of Cebu para sa kanilang ambag na pinagsama-samang pagsisikap na hindi lamang malagpasan ang kanilang revenue target kundi maging sa streamline na proseso at gumawa ng daan para sa pamamahala ng mga reporma sa port.
Ang Subport ng Mactan na nasa ilalim ng pamumuno ni Collector Gerardo Campo ay nakapagtala ng lagpas ng 73.856 milyong laban sa kanilang collection target ng 861.350 milyong piso.
Samantala, ang Subport ng Dumaguete sa pamumuno ni Collector Fe Lluelyn Toring ay nakalagpas ng 801.508 milyong piso mataas sa kanilang collection target ng 4.36 bilyong piso.
Ang nasabing pwerto ay nakapagtala ng positibong revenue collection performance para sa sampung sunod-sunod na buwan simula noong Marso 2020.
Para sa buwan ng Disyembre 2020, ang Port ay nakakulekta ng 2.993 bilyong, na nakalagpas sa nakatalaga sa kanilang monthly collection target na 439 milyong piso na nakapagtala ng pinakamataas na monthly collection.
“We see this increase in collections as a sign of the resiliency of industries in the Central Visayas, and we hope this increasing trend is a sign of a recovering economy that would continue to 2021”, ani District Collector Mendoza na kinilala ang ambag ng Port’s importers para sa kanilang revenue collection efforts, at pakikipagtulungan sa Bureau’s governance reforms.
Kabilang sa malaking ambag sa kanilang revenue collection ay mula sa importations ng mogas, gas oil, iron at steel, coal, foodstuff, at electrical and telecommunications equipment.
Ang Port of Cebu ay isa sa pangunahing ports sa bansa na nag-aambag ng limang porsyento ng kabuuang revenue collection ng Bureau of Customs. (Jo Calim)
257
