(Ni Jo Calim)
Nalagpasan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Limay ang kanilang month of July 2019 collection target, batay sa kanilang pinakahuling ulat.
Ang actual collection ng BOC-Port of Limay sa nakaraang buwan ng Hulyo ay umabot sa P6,376,163,492.20 kumpara sa collection target na P4,593,031,785.00 katumbas ito ng sobrang P1,783,131,707,20.
Ang Port of Limay ay 19 magkakasunod na naabot o sumobra ang kanilang collection target.
Dahil dito, ang BOC-Port of Limay ay nakatanggap ng pagkilala mula kay Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa pamamagitan ng isang plake.
Nasa ilalim ng BOC Port of Limay ang Sub-Port of Mariveles na nasa pagitan lamang ng Olongapo City at Angeles City, Pampanga na pawang nasa Central Luzon na kung saan dito rin ang Port of Subic at Port of Clark na pawang nakapagtatala ng malaking sobra sa kani-kanilang mga monthly target.
