POSIBLENG PAGBASURA SA DENGVAXIA CASE IKINABAHALA

deng19

(NI NOEL ABUEL)

NANGANGAMBA si Senate Blue Ribbon Committee Chair Richard Gordon na posibleng maibasura lamang ang mga kasong homicide na inihain kaugnay sa dengvaxia controversy.

Ipinaliwanag ni Gordon na “dahil hindi pa napatutunayan na may namatay dahil sa dengvaxia vaccine, hindi tatayo sa korte ang kasong homicide.”

“Wala pa. Pag lumabas na ang scientific evidence pwede na, kaya ngayon homicide, hindi mo naman ma-prove na namatay dahil sa dengue eh di dismiss ang kaso tapos wala na mababaon na sa limot,” sabi ni Gordon.

Idinagdag pa nito na mas mabuting ang inihain ay kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa pagbibigay prayoridad sa bakuna na hindi naman napatunayang epektibo bukod pa sa hindi kailangan.

“Dapat ang isinampa ay anti graft. Nagpakita ka na pinaboran mo, napabilis ang pagkuha mo,” dagdag pa ni Gordon.

Sa kabilang dako, wala nang plano ang Komite na buksang muli ang kanilang imbestigasyon dahil naisumite na anya nila sa Department of Justice at Ombudsman ang kanilang report.

188

Related posts

Leave a Comment