NABAWASAN pa ang porsiyento ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa kalakhang Maynila na naitala na lamang sa 5%.
Ang latest monitoring report ng OCTA Research Group, ay ibinahagi ni Dr. Guido David sa pamamagitan ng kanyang Twitter account nitong Sabado.
Ayon sa OCTA, ito na ang pinakamababang positivity rate na naitala sa rehiyon simula noong Hulyo 14, 2021.
Sinabi naman ni David, ang 5% na positivity rate ay ikinukonsiderang mababa at katanggap-tanggap ng World Health Organization (WHO).
“NCR positivity rate decreased to 5% as of 10/28/21. The last time positivity rate was 5% was 7/14/21. This is considered a low positivity rate,” aniya pa.
Samantala, mababa pa rin anila ang reproduction number sa NCR na nasa 0.55 at ang healthcare utilization rate na nasa less than 60% habang ang average daily attack rate (ADAR) ay moderate sa 6.75 per day per 100,000.
Mananatili ang NCR sa COVID-19 Alert Level 3 hanggang sa Nobyembre 14, 2021.
(RENE CRISOSTOMO)
