PPP TARGET NG NIA PARA MAKAPAGTAYO NG DAM

SA napipintong pag-upo ni incoming President Ferdinand Marcos bilang Kalihim ng Department of Agriculture, umaasang mas pagtutuunan ng pamahalaan ang aspeto ng irigasyon sa mga taniman at sakahang sandigan ng susunod na administrasyon sa pangakong food security sa bansa.

Pag-amin ni retired Gen. Ricardo Visaya bilang administrator ng National Irrigation Administration (NIA), 2% lamang sa 1.3 milyong ektaryang pasok sa kategoryang “irrigable” ang naisakatuparan sa mga nakalipas na taon dahil sa kawalan ng salaping panustos sa mga programang patubig sa mga sakahan.

Partikular na tinukoy ni Visaya ang mga nakabinbing programang magbibigay daan sa proyektong Balog-Balog Multipurpose Project (Hydropower Component) sa Tarlac, Ilocos Sur-Ilocos Norte-Abra Irrigation Project sa Region I, Panay River Basin Integrated Development Project sa Capiz, Ilaguen Multipurpose Irrigation and Power Project sa Isabela, at Balintingon Multipurpose Project sa Nueva Ecija.

Bukod sa kapos na pondo, sinisi rin ng nasabing opisyal ang kabagalan ng mga local consultants sa pagbalangkas ng feasibility study, detalyadong engineering design, at conversion ng mga lupa bago pa man simulan ang mga irrigation projects – kabilang ang pagtatayo ng dam.

Gayunpaman, may nababanaag na pag-asa ang retiradong heneral sa sektor ng agrikultura. Aniya, pagtutuunan nila ang konseptong Public-Private Partnership (PPP) para mabilis na pagpapaunlad ng irrigation system sa Pilipinas.

“With the PBBM’s top priority concern placed upon on the agriculture sector, NIA strongly pursues collaboration on Public-Private Partnership program to boost the Philippine irrigated agriculture, ayon pa sa pamunuan ng NIA. (JESSE KABEL)

414

Related posts

Leave a Comment