PRESYO NG KRUDO TULOY SA PAGSIPA

PATULOY ang pag-angat ng presyo ng krudo.

Mahigit piso ang inaasahang dagdag sa kada litro ng gasolina at kerosene simula ngayong araw.

Sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at SEAOIL Philippines Inc. na magdadagdag sila ng P1.25 sa kada litro ng gasolina habang P1.10 sa diesel at sa kerosene ay P0.75.

Gayundin ang Petro Gazz pero hindi kasama ang kerosene dahil wala sila nito.

Sinabi ng oil companies na hindi pa rito kasali ang 10% additional duty sa imported crude oil at refined petroleum products na ipinataw ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng Executive Order 113 na pinirmahan niya noong Mayo 2.

Alas-6 ng umaga ngayong araw inaasahang ipatutupad ang dagdag-presyo sa krudo. KIKO CUETO

250

Related posts

Leave a Comment