(NI BONG PAULO)
SUMUKO sa militar ang isang batang mandirigma na dati umanong miembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF.
Ang kinse anyos na BIFF child warrior na kinilala lamang sa alyas na ‘Tiger’ ay dati umanong tauhan ni Kumander Mayo Gantong Bansil.
Sumuko ang bata sa Army’s 33rd Infantry Battalion na pinamumunuan ni Lt. Col. Harold Cabunoc.
Ayon sa batang si Tiger, napapagod na siya sa umano ay walang kabuluhang pakikipaglaban at pagtatago.
Aniya, nais niyang magbagong buhay, makapag-aral at makasama ang pamilya sa tulong ng pamahalaan.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay isinuko rin ni Tiger ang kanyang dalang rocket proppeled rrenade o RPG.
Umaasa naman si Army’s 6th Infantry Division commanding general, Major General Cirilito Sobejana na marami pang mga batang mandirigma ng BIFF na mamumulat ang isipan at magbalik-loob sa pamahalaan upang magkaroon ng direksyon ang kanilang buhay.
288