UTOL NG SAYYAF LEADER SUSPECT SA JOLO BOMBING

jolo

(NI JG TUMBADO)

SI alyas “Kamah”, kapatid ng napaslang na Abu Sayyaf sub leader Surakah Ingog, ang isa sa dalawang lalaking ‘point of interest’ na natukoy sa pagpapasabog sa Marian Cathedral of Our Lady of Mt. Carmel sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng nasa 20 at ikinasugat ng mahigit isandaang indibidwal.
Ito ang ipinahayag sa press briefing kahapon ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, na si alyas “Kamah” ang siyang nakita sa CCTC footage habang nasa bahagi ng cathedral.
Sinabi ni Albayalde na nakita sa CCTV si Kamah kasama ang iba pang suspek bago ang naganap na pagsabog.
Kilala si Kamah bilang bomb maker ng Abu Sayyaf.
Kanila pang inaalam kung ang mga suspek ay mga suicide bombers.
“We are looking at a group, of course, dito kasi there are several threat groups. I am sure hindi naman nagtatrabaho ‘yan ng isa-isa,” pahayag ni Albayalde.
Sinabi ni Albayalde na ang ginamit bilang triggering device sa pagpasabog sa dalawang IED ay cellphone dahil na rin sa timing ng pagsabog.
Unang sumabog ang itinanim na bomba sa loob ng cathedral dakong alas 8:58 ng umaga sumunod ang ikalawang pagsabog sa parking lot sa pagitan lamang ng labing dalawa hanggang 15 segundo.
Ayon pa kay Albayalde, inaalam na rin ng mga awtoridad ang kakulangan sa parte ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging sa PNP sa paghawak ng seguridad sa lugar kaugnay ng trahedya.
“This will, of course, serve as a lesson sa atin. Probably dahilan nito kaya nakalusot iyang ganyan because several years back ay walang ganitong incident,” giit pa ng opisyal.

4

Related posts

Leave a Comment