UMAABOT na sa 22 katao ang iniulat na namatay sa kasagsagan ng malakas na ulan dulot ng bagyong ‘Usman’, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Nasa 16 katao ang patay sa Bicol at anim naman sa Eastern Visayas, ayon kay NDRRMC spokesperson Edgar Posadas.
Samantala, pito katao ang inulat na nasawi na inu-ugnay sa pananalasa ng pinakahuling tropical depression na pumasok sa Pilipinas bagong sumapit ang bagong taon.
Kasalukuyan ngayong beneberipika ng NDRRMC kung Bagyong ‘Usman’ ang dahilan ng pagkasawi ng pitong katao sa ibat ibang lugar apat dito ay dahil sa naganap na landslide.
Sa ulat PNP region 5 patay ang mag-asawa at kanilang isang anak matapos gumuho ang lupa na tumabon s akanilang bahay bunsod ng dalang ulan ng Tropical Depression ‘Usman’ sa Legazpi City, Albay. Kinilala ang mga nasawi sa landslide na sina Mauro Alegre at Mia Lorete pati ang kanilang tatlong taong gulang na anak na si Marco Alegre.
Sa Barangay Palale sa bayan ng Bulan Sorsogon hindi na nakalabas ng bahay ang 91- anyos na biyuda ng matabunan ng bato at lupa ang bahay nito bandang alas 8:30 ng umaga noong Biyernes. (May ulat ni Jesse Kabel)
278