(NI JESSE KABEL)
KINILALA na ng Armed Forces of the Philippine na isa sa mga hinihinalang suicide bombers ay Pinoy na anak ng isang babaeng Tausug at Balik-Islam naman ang ama nito.
Sa isang phone interview kay AFP Western Mindanao Command chief Maj. Gen. Cirilito Sobejana, nakilala nila ang unang suspek nang kunin ng mga magulang ang nalabi sa katawan ni Norman Lasuca, ang itinuturong naunang suicide bomber.
Ayon kay Sobejana, kabilang ang 23-anyos na si Lasuca sa teroristang grupo ng Abu Sayyaf, sa ilalim ng Hatib Sawadjaan faction ng ASG.
Nilinaw ni Sobejana na hindi pa nila makumpirma na suicide bombing ang naganap.
“Whether suicide bombing or remotely detonated remains an issue but the likelihood na it was a suicide bombing napakataas.
Posible rin umano na ang bomba ay pinasabog ng ibang tao na nasa malayo at nakabantay lamang o kumukuha ng tiyempo.
“Hindi pa tayo 100 percent certain na it was a suicide bombing, mataas ang probability. Even yung nakapasok sa loob ng compound yung bata, he can be detonated remotely by somebody ,” sabi ng opisyal.
Nabatid na kasalukuyan pa ring beneberipika ng military ang nakalap na ulat na anak naman ng namatay na German Moroccan suicide bomber ang isa sa mga batang may dala ng bomba na nagtangakang pasabugin ito sa loob ng tent ng mga sundalo.
Sa pahayag umano ng ina ni Norman, nawala ang kanyang anak noong 2014 matapos umalis sa kanilang bahay. At ngayon lamang nakita na ulo na lamang.
Sa report, kinuha ni Vilma, nanay ni Norman, ang kanyang ulo sa morge ng Teodulo Natividad Hospital, kasama ang kapatid ng suspek na si Al Hussein.
Habang ang pangalawang suspect ay mukha umanong Caucasian, “He can be the son of ‘yung Moroccan na nagpasabog sa Basilan. May video na nakuha nito when i was the joint task force Sulu commander,” ani Sobejana.
Una rito, malaki ang paniniwala ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na isang kaso ng suicide bombing ang naganap sa Philippine Army First Brigade Combat team sa Indanan, Sulu.
227