(PHOTO BY KIER CRUZ)
ISANG sanggol ang patay habang 204 na ang nagkasakit ng tigdas sa SOCCSKSARGEN region.
Ayon kay DoH-12 focal person for measles prevention program Jenny Panizares, mula Enero hanggang Pebrero ay umaabot na sa 204 katao ang naisugod sa mga pribado at pampublikong pagamutan sa rehiyon-12 at isang sanggol ang binawian ng buhay.
Minomonitor na din ng Do Hang patuloy na pagtaas ng kaso ng tigdas sa buong SOCCSKSARGEN. Gayunman, mababa umano ito ng 265% kung ihambing sa kaparehong buwan noong 2018 na umaabot sa 328.
Nanguna ang Sarangani na may pinakamataas na kaso ng tigdas na umaabot sa 51,South Cotabato 50,General Santos City 41,Cotabato City 30,North Cotabato 27 at Sultan Kudarat 5.
Ang apat na buwang sanggol na nasawi ay nagmula sa bayan ng Polomolok South Cotabato. Nanawagan si Panizares sa mga magulang na pumunta sa mga Health Center, mga pampublikong ospital o mga kawani ng kanilang ahensya na naglilibot at pabakunahan ang kanilang mga anak para maiwasan ang tigdas.
163