(NI JEDI PIA REYES)
NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Calatagan, Batangas, Biyernes ng gabi.
Ayon sa Philippine Instititute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig dakong alas-6:32 ng gabi sa layong 18 kilometro ng Calatagan.
May lalim na 87 kilometro ang lindol na tectonic ang origin o pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity III sa Tagaytay City, Intensity II sa Mandaluyong City at Muntinlupa City; at Intensity I- Talisay, Batangas; at Quezon City.
Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity IV sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Intensity II sa Tagaytay City; Calapan City, Oriental Mindoro at Intensity I sa San Jose, Occidental Mindoro; Olongapo City; at Talisay, Batangas.Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks dahil sa nasabing pagyanig.
113