KORONADAL CITY – Minomonitor ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang mga lugar na apektado ng El Niño sa bansa.
Sinabi ni Zaldy Boloron, chief of operations ng DA-Regional Office 12, bumuo na ng technical team ang DA para matukoy ang mga palayan sa rehiyon na apektado ng labis na tagtuyot.
Sakaling maberipika ang mga apektadong lugar, agad magsasagawa ng cloud seeding upang maibsan ang tagtuyot.
Sa ngayon, nanawagan ang opisyal sa mga magsasaka na makipagtulungan din sa DA para maiwasan ang pagkasayang ng mga itatanim na palay ngayong panahon ng tag-init sakaling maapektuhan ng El Niño.
175