INAMIN ng Commission on Elections (COMELEC) Bicol na mahihirapan ang ahensiya na tanggalin sa political party si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.
Inilaglag na si Baldo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) matapos masangkot bilang utak sa pagpaslang kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at security aide nito na si SPO2 Orlando Diaz noong December 22.
Sinabi ng COMELEC na noong Nobyembre 29, 2018 pa naisapinal ang listahan ng mga partido kung saan si Baldo ang standard bearer ng Lakas-CMD sa Daraga Albay.
Gayunman, hanggang kahapon ay nabatid na independent candidate na si Baldo. Nasa kamay pa rin umano ng Commission en banc kung tatanggapin ang revocation ng nominasyon higit na wala namang batas na nagbabawal dito.
Sa mid-term elections ay posibleng dala pa rin ni Baldo ang partidong Lakas-CMD dahil sinisimulan na ang printing ng mga balota.
194