KARAMIHAN umano ng gulay na nasa Metro Manila at galing sa kalapit na lalawigan tulad ng Laguna, Quezon at Batangas na hindi naman napuruhan ng bagyong ‘Usman’.
Ito ang dahilan ni Agriculture Secretary Manny Pinol para hindi magtaas ng gulay sa Metro Manila. Nagtaasan umano ang presyo ng mga gulay sa mga palengke pagkatapos ng bagyo na ayon kay Pinol ay sinasamantala ng mga negosyante. Nanawagan din si Pinol na huwag samantalahin ng mga negosyante ang bagyo lalo’t hindi naman direktang nakaapekto si ‘Usman’ sa Metro Manila.
Sinabi rin ni Pinol na ang mga bagong tanim na palay sa Bicol region na nagkakahalaga ng P957 milyon ay kasamang natangay ng baha ng bagyong ‘Usman’. Dahil dito, ayon pa sa DA, ay magbibigyan sila ng hybrid rice seedlings sa mga magsasaka at mag-aalok ng pautang para makabangon ang mga nasalanta ng bagyo.
542