DEPEKTIBONG RUBBER GATE NG BUSTOS DAM, PINAPAPALITAN SA NAIA

UMAPELA sa National Irrigation Administration (NIA) ng agarang aksyon si Bulacan Governor Daniel Fernando para mapalitan ang lahat ng rubber gates ng Bustos Dam matapos bumigay ang isa mga ito madiskubreng depektibo ang ginamit na materyales dito.

Sa isinagawang ocular inspection nitong Martes sa sa paanan kung saan nakadisenyo ang rubber gates, ipinakita ni Fernando sa mga opisyales ng NIA ang bumigay na Rubber Gate Bay 5 kung saan nabatid na ang ginamit na materyales ay ‘made in China’.

“I will do everything in my power to safeguard the Bulakenyos from imminent harm by ensuring the safety of Bustos Dam. It is now critical to reassess our path forward to ensure that our dams and levees in the province continue to meet stringent standards of safety,” ayon kay Fernando.

Ang pagkasira ng nasabing rubber gate ay sanhi umano ng mababang kalidad ng materyales na ginamit ng kontratista kaya nasira agad sa loob ng dalawang taon ngunit base sa kontrata ay dapat tumagal nang mahigit 20 taon.

“We will never take for granted the inferior quality materials used in the rehabilitation of the dam. Even if only one of the rubber gates were damaged, the NIA would ensure the order of the six sector gates and immediately replace them with agreed materials that should be used in accordance with the contract,” ayon sa gobernador.

Nauna rito, ipinatawag ni Fernando ang mga taga-NIA at concerned government department office ng kapitolyo para sa emergency meeting upang malinawan at sa gayun ay masolusyunan ang kasalukuyang kalagayan ng dam kasabay nang pagbuo ng Technical Working Committee para sa dam safety.

Nabatid matapos ang inspeksyon at pagpupulong ng NIA officials at Bulacan officials ay napag-alaman na aabutin ng 6 na buwan bago dumating ang kapalit o replacement ng bagong rubber gate dahil dadaan pa ito ng pagsusuri sa ibang bansa.

Kasama sa naturang inspeksyon sina NIA Administrator Ricardo Visaya; NIA Deputy Administrator for Engineering and Operations Sector C’zar Sulaik; Region 3 NIA Director Josephine Salazar; Contractor Isidro Pajarillaga of ITP Construction Inc.-Guangxi Hydro Electric Construction Bureau Co. LTD. (GHCB) Consortium; Bustos Mayor Francis Albert Juan at head departments ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Agriculture, Engineering and Provincial Administrator’s Offices.

Binanggit ni NIA Administrator Visaya na ang kanyang rekomedasyon ay alisin at palitan lahat ang mga nasabing Chinese-made rubber gates na ginamit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam.

Dagdag ni Visaya, hindi umano usapin kung anong brand ang gagamitin ang importante ay makapasa ito sa isasagawang testing procedure at ma-meet ang mga parameter at specs nito.

Kaugnay nito, kinumpirma rin ni Bustos Mayor Francis Albert Juan na ang sprinklers ng mga naturang rubber gate ay depektibo rin at dapat mapalitan dahil mula simula nang ito ay binili ay hindi naman aniya gumana o napakinabangan.

Tiniyak naman ni Salazar, na lahat ng rubber gates ng Bustos dam ay mapapalitan ng contractor gayundin ang sprinkles nito.

Magugunita na ibinulgar ni Vice Governor Wilhelmino Sy Alvarado sa kanyang privilege speech sa Sangguniang Panlalawigan (SP) session ang nasabing depektibong materyales na ginamit sa rehabilitasyon ng Bustos Dam kasabay ng pagpapaalala ng posibleng delubyong hatid nito katulad ng pagbaha sa sampung bayan ng Bustos, Plaridel, Pandi, Bocaue, Guiguinto, Balagtas, Bulakan, Malolos, Calumpit at Hagonoy sakaling bumigay at masirang lahat ng naturang rubber gates.

“This is a gross and inexcusable negligence that may lead to the loss of hundreds of thousands of lives and a ‘delubyo’ (catastrophe) might happen if these defective materials will not be replaced,” ayon kay Alvarado said.

Sinabi ni Alvarado, ang kabuuang dami ng tubig na ibubuhos ng nasabing dam sakaling ito ay bumigay ay tinatayang 3,000 cms na tubig na kayang magpabaha ng halos lahat ng bayan sa Bulacan.

Ayon naman kay Lauro Ballesteros, Bulacan, Aurora, Nueva Ecija (BANE)-Irrigation Management Office manager, pansamantalang nilagyan ng sheet file ang nasirang bahagi ng Gate Bay 5 na suportado ng mga sandbag.

“As per the recommendation of Vice Governor Alvarado, binago namin ang protocol ng dam at ibinaba ang level ng tubig upang hindi na mapwersa ang rubber gates,” ayon kay Ballesteros.

Ang nasabing Bustos Dam rehabilitation works ay nai-bid noong 3rd quarter ng 2016 na nagkakahalaga ng P1 bilyon, kbilang na rito ang pag-kongkreto ng main canals. (ELOISA SILVERIO)

261

Related posts

Leave a Comment