IKA-4 NA LINDOL YUMANIG SA SURIGAO DEL NORTE

surigao1

(NI ABBY MENDOZA)

MULING nakapagtala ng 4.3 magnitude na pagyanig sa  bayan ng General Luna sa Siargo Island,Surigao del Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon aa Phivolcs ang naitalang pagyanig ay ikaapat nang lindol na naitala sa bayan ng General Luna simula noong Biyernes.

Sa ngayon ay nagbabala ang Phivolcs ng mga aftershocks resulta ng bahagyang malalakas na pagyanig.

Ayon Phivolcs sa alas 12:45 ng madaling araw nang maitala ang 4.3 magnitude na lindol na naramdaman  28 km northeast sa bayan ng General Luna, Siargao Island, Surigao del Norte province. May lalim ito na  17 km.

Noong Linggo ay dalawang beses na nilindol ang bayan ng General Luna, una ay 10:33 ng gabi na may lakas na 5.1 magnitude at nasundan alas 10:39 ng gabi ng 4.2 magnitude.

Dahil sa nasabing magkasunod na lindol ay nakapagtala na ng 13 aftershocks na ang pinakamalakas ay 3.7 magnitude.

Noong Biyernes ay 5.9 magnitude ang naitala din sa bayan ng General Luna na sinundan din ng ilang aftershocks.

Sinabi ni Surigao del Norte Gov. Sol Matugas na nakaalerto  na ang lahat ng rescue teams ng  provincial at municipal DRRMC upang agad na makaresponde sakaling magkaroon ng pinsala amg magkakasunud na lindol.

Inalerto din ng  lokal na pamahalaan ang mga residente na maging kalma lamang at hindi mabahala sa lindol.

 

 

142

Related posts

Leave a Comment