KONSTRUKSIYON NG MRT-7 NASA 50% NA – DOTr

(NI KEVIN COLLANTES)

HALOS nasa kalahati na umano ng konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line-7 (MRT-7) ang nakumpleto na ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), sa kasalukuyan ay nasa 47.21% nang kumpleto ang konstruksiyon ng MRT-7.

Kabilang umano sa kasalukuyang civil works na kanilang isinasagawa ay ang guideway construction, underground/depressed at at-grade excavation o concreting works, at installation ng coping beam, girder at trans-slabs sa elevated structures.

“With the construction in full swing 24/7, the rolling stock and electrical and mechanical (E&M) works are also in progress. At present, 108 cars are already completed,” dagdag pa ng DOTr.

Kumpiyansa ang DOTr na pagsapit ng 2021 ay makukumpleto na nila ang may 22-kilometrong habang linya ng tren na siyang magkokonekta sa Quezon City at San Jose del Monte, Bulacan.

Sa sandali aniyang mangyari ito ay mababawasan na ang travel time sa naturang ruta na mula sa dating dalawa hanggang tatlong oras ay magiging 35-minuto na lamang.

“Once completed in 2021, this 22-kilometer rail line will connect Quezon City to San Jose Del Monte in Bulacan, which will reduce travel time from 2-3 hours to only 35 minutes, and will give Bulakenyos an efficient and convenient commuting experience,” anang DOTr.

193

Related posts

Leave a Comment