LIBRENG SAKAY SA PITX

pi14

(NI KEVIN COLLANTES)

MAY handog ang Department of Transportation (DOTr) sa mga commuters sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Araw ng mga Puso.

Nabatid na inilunsad Huwebes ng umaga ng DOTr ang “Serbus,” na isang proyektong magbibigay ng libreng sakay sa mga commuter ng PITX.

Ayon sa DOTr, isinagawa ang launching at blessing ng proyekto sa Bonifacio Shrine, sa Ermita, Manila, Huwebes ng umaga.

Sa ilalim ng proyekto, anim na air-conditioned bus units ang magbibigay ng libreng sakay sa mga commuters sa PITX, mula Lunes hanggang Biyernes, mula 6:00 ng umaga hanggang 11:00 ng umaga at mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, sa mga rutang Lawton-Baclaran-PITX at pabalik, at sa Monumento-EDSA-Baclaran-PITX at pabalik.

Ang naturang aktibidad ay dinaluhan nina DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark De Leon, gayundin ng kanilang mga katuwang sa pagpapatupad nito, na sina JCISP President Domingo Roque Jr., Megawide Foundation Chairman Louie Ferrer, at Megawide Foundation Director Edgar Saavedra.

201

Related posts

Leave a Comment