(NI HARVEY PEREZ)
PANSAMANTALANG ipinatigil ng Maritime Industry Authority (Marina), ang operasyon ng mga pampasaherong motor banca na may rutang Iloilo-Guimaras kasunod ng paglubog ng tatlong motor bancas sa Iloilo Strait na nagresulta ng pagkamatay ng 25 katao noong Sabado.
Ayon sa Marina, magsasagawa muna ng assessment sa safety condition ng mga pumapasadang MB sa naturang ruta saka magdedesisyon kung papayagan na silang mamasadang muli.
Magpapalagay naman ang Marina ng dalawang Roll-on / Roll-off vessels para masakyan ng mga mamamayan sa Iloilo-Guimaras route para hindi naman maapektuhan ang pangangailangan sa transportasyon ng mga mamamayan.
Samantala, pinaaalalahanan ng Marina ang mga operators na tiyakin ang maritime safety sa lahat ngnpagkakataon at lagjng obserbahan ang pinakahuling weather forecast bago magdesisyon na pumalaot para makaiwas sa trahedya.
Nalaman na patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Marina kaugnay sa trahedya sa karagatan para alamin lung sino ang nagkaroon ng pagkukulang at kung sino ang dapat managot.
Ito ay matapos na mag convene ang Marina Maritime Crisis Management Committee (MCMC).
Bumuo na rin ang Marina Regional Office VI sa Iloilo City ng help desk para makipag- coordinate sa iba pang sangkot na ahensiya, kabilang na ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Ports Authority (PPA), at ang Local Government Unit (LGU).
195