PAG-ARMAS SA BUMBERO, OK SA PNP

(NI AMIHAN SABILLO)

NAKAHANDA ang Philippine National Police (PNP) na sanayin ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung matutuloy ang mungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga ito.

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Oscar Albayalde na kailangan munang magkaroon ng sapat na training ang mga bumbero bago sila bigyan ng armas.

Nilinaw naman ni Albayalde na “issued” na baril ang kanilang dadalhin at hindi pwedeng walang lisensya.

Matatandaan na nauna nang sinabi ni  PNP chief na pabor siya sa mungkahi ng Pangulo dahil maaring maging ‘force multipliers” ng PNP ang mga bumbero sa panahon ng national emergency kung armado ang mga ito.

Wala naman umanong masama dahil mga taong-gobyerno ang mga bumbero at maski mga pribadong security guards ay ginagamit ng PNP bilang “force multipliers” para sa seguridad kontra terrorismo.

Sa huli, sinabi pa ni Albayalde na makabubuti na rin para sa sariling proteksyon ng mga bumbero kung sila’y armado lalu pa’t may mga pagkakataon na kinakailangang magpatupad sila ng peace and order sa mga lugar na nasusunugan.

 

230

Related posts

Leave a Comment