P12-M SMUGGLED NA BIGAS, NASABAT NG NAVY SA BASILAN

(NI NICK ECHEVARRIA)

NASABAT ng Naval Forces Western Mindanao (Navforwem) ng Philippine Navy ang isang shipment ng smuggled na bigas na nagkakahalaga ng P12 milyon sa karagatang sakop ng lalawigan ng Basilan.

Sa ulat ni Navforwem commander Rear Admiral Erick Kagaoan nitong Sabado, naispatan ng mga tauhan ng Naval Special Operation Unit 6 (NAVSOU6) sa ilalim ng Naval Tak Force 61, habang nagsasagawa ng maritime security patrol ang wooden-hulled, Indah Jehan sa  Lampinigan Island sa Basilan, nitong Biyernes.

Nabatid na walang maipakitang kaukulang mga dokumento ng importasyon ang 10 crew ng barko na galing sa Labuan, Sabah, Malaysia at patungo ng Zamboanga City, lulan ang 10,000 sako ng mga smuggled na bigas.

Iti-turnover ng Philippine Navy ang nahuling mga smuggled na bigas sa Bureau of Customs matapos dalhin ang M/V Indah Jehan sa pantalan ng Ensign Majini sa Naval Station Romulo Espaldon sa Zamboang City para sa kaukulang dokumentasyon.

Ang pagkasakote sa  mga smuggled na bigas ay resulta umano ng pinaigting na focused maritime patrol ng Philippine Navy bilang suporta sa operasyon ng AFP-Western Mindanao Command.

144

Related posts

Leave a Comment