P477-M PINSALA SA MATINDING INIT SA NORTH COTABATO

tuyot1

KIDAPAWAN CITY – Bagama’t  hindi pa napabilang ang probinsya ng North Cotabato sa tatlong kategorya na dry condition, dry spell at drought ay abot na sa P477 milyong halaga ang inisyal na pinsala sa mga pananim sa iba’t ibang bayan sa lalawigan.

Ito ay ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction Management Warning and Action Officer Engr. Arnulfo Villaruz sa panayam ng SAKSI NGAYON.

Abot na rin sa 8,500 mga magsasaka ang naapektuhan at hindi pa kabilang dito ang ilang magbubukid sa North Cotabato. Giit pa ni Villaruz, posibleng sa susunod na mga linggo ay madadagdagan na ang apat na mga bayan na nagdeklara ng state of calamity kung patuloy ang tag-tuyot.

Una nang nagdeklara ang mga bayan ng Pikit, Aleosan, Mlang at Alamada. Sinabi ni Villaruz, nagpapatuloy ang kanilang mga binibigay na ayuda sa mga magsasaka gaya ng pagbibigay ng bigas. Magbibigay na din ng mga seedlings ang provincial government kung magsisimula na ang tag- ulan sa susunod na mga buwan.

Paalala naman ni Villaruz sa mga mamamayan na iwasang magsunog dahil na rin sa sund-sunod na grassfire sa lugar at maging ang pagtapon ng upos nga sigarilyo lalo na kung malakas ang hangin.

145

Related posts

Leave a Comment