PEACEFUL, ORDERLY BARMM 2025 ELECTIONS TINIYAK

TARGET ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido na maidaos nang maayos, payapa at kapani-paniwala ang kauna-unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliament 2025 elections na isasabay sa May 12 General election.

Kaya ipinatawag ni Gen. Galido ang lahat ng Philippine Army rank and files na nakapaloob sa 6th Infantry Division at lahat ng stakeholders para matiyak ang peaceful and orderly BARMM Parliament 2025 elections sa mga munisipalidad ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi, at Cotabato City.

Ang BARMM elections ay unang regular election para sa Bangsamoro region at nakatakda itong ganapin kasabay ng 2025 Philippine general election. Kaya lahat ng Army troops kasama ang Philippine National Police (PNP), ay magde-deploy ng kanilang assets and personnel para palakasin ang election contingency force sa buong bansa.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Lt. Gen. Galido ang lahat ng mga sundalo hinggil sa kanilang responsibilidad sa darating na eleksyon: “To practice the right of suffrage and ensure the safe, orderly, and peaceful conduct of elections.”

Mahigpit na tagubilin ni Gen. Galido sa mga sundalo na panatilihin ang kanilang military non-partisan stance at umiwas na magpaskil, sumawsaw, mag-comment sa mga social media post na may bahid o sadyang politically motivated at kontrobersyal. (JESSE KABEL RUIZ)

53

Related posts

Leave a Comment