11 PATAY SA BINONDO FIRE

AGAD nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Manila City Disaster Risk Reduction Management Office hinggil sa nangyaring sunog sa Binondo, Maynila na kumitil ng 11 katao.

Nagpaabot ng pakikiramay si Manila Mayor Honey Lacuna sa pamilya ng mga nasawi kasunod ng sunog na tumupok sa isang residential-commercial establishment sa Carvajal St., Binondo, Manila nitong Biyernes ng umaga.

“In response to this tragedy, I will be issuing a memorandum instructing all building and fire officials to conduct thorough inspections of all structures within the city,” ayon kay Mayor Lacuna.

Inutos ni Lacuna na unang suriin ang mga gusali na may edad na 15 taon pataas na maituturing na mga highest fire risk. “… buildings that are at least 15 years old will be prioritized in the inspection to determine their compliance with the National Building Code and the Revised Fire Code of the Philippines,” pahayag ng alkalde.

Mahigpit ang tagubilin ng mayora na tiyaking tumutugon ang mga may-ari ng mga gusali sa umiiral na building code and fire regulations, para maiwasang maulit ang malagim na trahedya.

“Muli sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, lubos po akong nakikidalamhati sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi sa sunog na tumupok sa isang residential-commercial building sa Carvajal sa Binondo, Maynila kaninang umaga (kahapon),” anang alkalde.

“Agad na pong nagpadala ng tulong ang Manila Social Welfare and Development (MSWD) upang alalayan ang pamilya ng mga nasawi at nawalan ng ari-arian, kabilang sa hatid ng MSWD ang psychosocial, medical, at financial aids,” ani Atty. Princess Abante, ang opisyal na tagapagsalita ng pamahalaang lungsod.

“We are awaiting the official report from the Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) to fully understand the circumstances surrounding this tragic event. In the meantime, the Bureau of Fire Protection (BFP) has confirmed that the fire was extinguished at around 10:00 a.m. Muli, taos-pusong pakikiramay sa pamilya ng mga nawalan. May the souls of the departed rest in peace,” aniya pa.

Nauna rito, iniulat na 11 ang namatay makaraang sumabog ang isang liquefied petroleum gas (LPG) tank sa ground floor ng isang residential apartment sa Carvajal Street, Binondo, Manila nitong Biyernes ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga namatay sa isidente.

Ayon sa ulat ng San Nicolas Fire Station sa Binondo, nagsimula ang sunog dakong alas-7:38 ng umaga.

Umabot sa ika-2 alarma ang sunog at naapula naman ito subalit dahil sa malakas na pagsabog ay hindi nakaligtas ang mga biktima.

(JESSE KABEL RUIZ/RENE CRISOSTOMO)

259

Related posts

Leave a Comment