PROBLEMA SA KURYENTE SA MIMAROPA IPINASISILIP SA DoE

napocor12

(NI BERNARD TAGUINOD)

NABABAHALA ang isang mambabatas hinggil sa patuloy na paglaki ng subsidy ng National Power Corporation (Napocor) sa mga independent power producers (IPPs) sa Mimaropa region na tiyak na ipapasa umano sa mga consumers.

Dahil dito, kinalampag ni Bayan  Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang Department of Energy (DoE) at maging ang Commission on Audit (CoA) na silipin ang patuloy na paglaki ng tinatawag na missionary subsidy sa nasabing rehiyon matapos lumobo ito sa P5.75 Billion noong 2017 mula sa P2.21 Billion noong 2017.

“This is a disturbing average increase of 160% for the Mimaropa area, increasing from P2.21 Billion in 2016 to P5.75 Billion in 2017,  despite the average increase in electricity consumption of only 6%,” ani Colmenares.

Inihalintulad ng mambabatas ang kaso ng Palawan kung saan tumaas sa  105%  sa loob lamag isang taon dahil mula P536 million noong  2016  at naging P1.096 billion in 2017.

Lalong tumaas pa ito sa P1.766 Billion noong 2018 at magiging  P1.186 Billion ngayon  2019.4.7

Walang ipinagkaiba umano ito sa sitwasyon sa  Oriental Mindoro kung saan ang missionary subsidy at halos dumoble dahil mula P565 million noong  2016 ay naging P1.1 billion noong 2017 at lalong tumaas sa P1.396 Billion noong  2018.

Tumaas naman umano sa 262% ang missionary subsidy sa Occidental Mindoro dahil noong 2016 ay P506 Million lamang ito subalit naging P1.844 Billion noong 2017 at magiging P1.655 Billion noong 2018 at magiging P1.631 Billion ngayong 2019.

“Ang nakapagtataka kasi dito ay sa halip na lumiit ang missionary fees dahil dapat ay lumiliit na din ang areas na di pa nararating ng kuryente sa haba ng mga taon na ginagawa ito, bakit baliktad ang nangyayari at tumataas pa ang singil sa mga consumers? Dapat ay kagyat na masagot ito ng DOE at silipin na din ng COA para mapigilan,” ani Zarate,

Sinabi ng mambabatas na walang ibang magdudusa rito kundi ang mga consumers dahil tiyak na ipapasa sa kanila ang mga lahat ng gastusin, hindi lamang ng mga IPPs kundi ng gobyerno.

 

102

Related posts

Leave a Comment