RORO CARGO FEE IBABABA

roro1

(NI ABBY MENDOZA)

PINAG-AARALAN na ng technical working group (TWG) ng House Committee on Transportation kung paanong maibababa ang halaga ng pagbibiyahe ng mga kalakal sa pamamagitan ng Roll On-Roll Off (RO-RO) system.

Sa meeting ng komite, naikumpara ng mga kongresista na mas mura ang direct shipping kaysa sa Ro-Ro sa pagbibiyahe ng produkto mula Mindanao hanggang Metro Manila sa kabila ng sinasabing ang Ro-Ro ang mas murang alternatibo sa shipping.

Ayon kay TWG chair Manuel Zubiri  sa anim na providers, ang pinakamurang quotation ng pagbibiyahe ng kalakal mula Bukidnon hanggang Metro Manila ay P65,000 at ang pinakamahal ay P138,000 samantala sa Ro-Ro, ang pinakamura para sa parehong ruta ay P88,800 at ang pinakamahal ay P138,000.

Para sa kongresista, mahal ang nabanggit na mga halaga at dapat magawan ng paraan na mapababa ito.

Target ng Kamara na maipababa ang bayarin ng cargo sa Ro Ro upang mas maraming produkto ang maibyahe sa Metro.Manila gayundin mula sa Maynila patungo sa mga lalawigan.

280

Related posts

Leave a Comment