TONELADANG TILAPIA APEKTADO SA TAAL LAKE FISH KILL

tilapia12

(NI CYRILL QUILO)

UMABOT na 605 metric tons na isda ang namatay sa Brgy.Boso-Boso ,Brgy.Gulod sa Laurel at Brgy.Bañaga sa Agoncillo,Batangas ang apektado ng fishkill sa Taal Lake nitong Biyernes.

Halos isang linggo nang binabantayan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang biglaang pagkamatay ng tilapia sa mga nabanggit na barangay,dahil umano sa pagbaba ng oxygen level na 2.8 parts per million(ppm) matapos ang ilang araw,sumadsad pa ang oxygen level ng .86 ppm dahil sa pabago-bagong panahon.

Maaaring sobrang pagpapakain diumano sa mga isda ang naging dahilan ng pagkamatay ng mga tilapia.Hangad ng mga namumuhunang negosyante na mapalaki nang maigi ang mga isda at ibebenta sa tamang panahon kung saan maganda ang presyo ng isda.

Nitong Huwebes ay 200 metric tons na isda na ang lumutang sa lake at kinakailangan ng ibaon sa lupa sa loob ng 24 oras upang hindi na maging malansa o makontamina pa ang ilang buhay na isda.

Sa pinagsanib pwersa ng mga kagawarang ng gobyerno, pinagtulung-tulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources BFAR ,Department of Natural Resources DENR at Department of Public Works and Highways (DPWH) na maresolba ang krisis kasama ang Local Goverment Unit ng Batangas at Protected Area Management Board para matugunan ang problema.

Samantala, ang mga may-aring lumabag sa patakaran ay papatawan ng karampatang halaga na P10,000-P100,000 kada araw ng Taal Volcano Protected Landscape and Protected Area Management Board(TVPL PAMB).Kinakailangan din magkaroon ng certificate ang mga may-ari ng fish cages at magkaroon ng monthly clean-up sa Taal Volcano.

Ayon kay Regional Director ng DENR Atty. Maria Paz Luna, hindi dapat makaapekto ang pagtaas ng presyo ng isda sa palengke. Maliit na porsyento lamang ang apektado ng fish kill kung kaya’t madami pa ang supply ng tilapia sa bansa.

192

Related posts

Leave a Comment