VENDOR UTAS SA DOS POR DOS

LAGUNA – Patay ang market vendor makaraang hatawin ng dos por dos habang natutulog sa palengke sa Biñan City noong Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Biñan City police ang biktima na si Domingo Rosario.

Batay sa report, madaling araw noong Lunes nang pagpapaluin ng kahoy na dos por dos ang biktima habang natutulog sa hagdan ng Biñan City Public Market.

Bigla na lamang umanong lumapit ang hindi kilalang suspek at inatake ang biktima.

Mabilis na isinugod ang biktima sa Ospital ng Biñan dahil sa grabeng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ngunit idineklarang dead on arrival.

Imiimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (NILOU DEL CARMEN)

 

136

Related posts

Leave a Comment