(NI MINA DIAZ)
NAGKAKAISANG nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang grupo ng mga Muslim advocate upang ipagpaliban ang eleksiyon sa BARMM area dahil sa talamak na bilihan at bentahan ng boto.
Ang Bangsamoro Multi-Sectoral Group, alyansa ng iba’t ibang organisasyon sa buong Pilipinas, ay nakapagtala ng mahigit 600 na mga sinumpang salaysay ng mga kaso ng bentahan at bilihan ng boto at ito ay naisampa na sa Legal Department ng Commission on Election.
Ayon kay Alan Balangi, chair ng One Bangsamoro Movement (1Bangsa), ang bentahan at bilihan ng boto at nakaumang na dayaan sa kanyang lalawigan Lanao Del Sur ay hindi na bago bagkus ito ay dekada nang umiiral. Ayon pa sa kanya mula P5,000 hanggang P10,000 ang bentahan ng boto bawat isang botante.
Sinabi ni Yusoph Mando, chair ng Muslim Affairs Council of the Philippines (MACPHIL) hindi lamang nangyayari sa Lanao del Sur, kundi buong rehiyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
“Bilang isang Basileno o taga Basilan talamak din po ang bentahan at bilihan ng boto sa Basilan at maging sa ibang lalawigan pang sakop ng BARMM.
Si Sultan Faizal B. Bansao ay isa sa mga nagpahayag ng pag-sang ayon sa kanilang panawagan upang ipagpaliban ang halalan sa BARMM Region.
Si Dr. Alim Fatani Sultan Abdul Malik, President ng Ulama at Imam of the Philippines ay nag pahayag ng mahigpit na pamantayan mula sa Qur’an kung saan ang pagbabawal ng kanilang relihiyon sa bentahan at bilihan ng boto sapagkat ito ay parehong magkakaroon ng malaking kasalanan.
184