NIREREPASO pang mabuti ng Malakanyang ang “requests at proposals” ng Estados Unidos kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Binanggit ito ng Chief Executive sa isang event sa Quezon City nang tanungin ukol sa nirerepasong Mutual Defense Treaty, isang 70-year-old accord na nag-aatas sa Estados Unidos na idepensa ang Pilipinas mula sa anomang pagsalakay.
“Well, the Mutual Defense Treaty is continuously under negotiation and under evolution. I always call it… it’s an evolution because things are changing. The request — there have been many requests and proposals from the Americans, especially under EDCA,” ayon kay Pangulong Marcos.
“So all of that is under study now to see what is really feasible and what will be the most useful for the defense of Philippine territory,” dagdag na wika nito sabay sabing “By early next year, we will have something more concrete to tell you.”
Noong 2014 nang tintahan ang EDCA sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Mas madali nang makapapasok ang US military sa bansa matapos lagdaan ang 10-taong kasunduan, na pinaniniwalaang pangontra sa panghihimasok ng Chinese forces sa West Philippine Sea.
Pinangunahan ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin at US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg ang paglagda sa kasunduan sa Camp Aguinaldo, Quezon City higit tatlong oras bago ang pagdating ni Obama sa Ninoy Aquino International Airport bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa iba’t ibang bansa sa Asya. (CHRISTIAN DALE)
526
